Finally! Ibinunyag na ni Chief Albayalde sa publiko na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang mastermind sa pagpatay kay Rep. Batocabe




Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang mayor ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo bilang “mastermind” sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe nong December 22, 2018.

Sa isang press conference, sinabi ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na kinontrata umano ni Baldo ang pitong katao upang gawin ang asasinasyon sa mambabatas at nag-alok ito ng P5-milyon.

Umaabot sa P250,00o ang ipinaluwal umano ng alkalde para sa grupo sa pamamagitan ng kanyang trusted security aide na si Christopher Cabrera Naval alias Tuping.

Ang naturang halaga ay ipinambili ng motorsiklo at baril.

Si Tuping ay unang sumuko sa PNP-Intelligence Group noong December 30, 2018 kasunod nang walang humpay na police operations.

Ang mga pagbubulgar ni Tuping ay sinigundahan naman ni Emmanuel Bonita Judavar na sumuko rin sa mga otoridad.

Si Judavar ay kasama raw sa initial planning pero umatras ito sa actual assassination kay Batocabe.

Sinasabing si Tuping ay na-discharge noon sa Army at nagsilbi rin sa Military Intelligence Battalion ng 9th Infantry Division na nakahimpil sa rehiyon.

Paliwanag pa ni Albayalde, kumikilos din daw ang assasination team bilang private armed group para kay Mayor Baldo.

Ang iba sa mga ito ay dating mga sundalo, paramilitary personnel at dating NPA na gumagamit ng pekeng pangalan bilang confidential staff ng mayor.

Ang lahat ng mga ito ay sumusweldo kada buwan ng P7,000.

Iprinisinta rin ng heneral ang isang link diagram kung saan pinangalanan ang lahat ng dawit sa pagpaslang sa kongresista.


Advertisement


Maliban dito, binawi na rin ng PNP ang gun licenses ni Baldo, maging ang kanyang deputation sa lokal na pulisya.

Sa pahayag naman ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagtutugma umano ang pahayag ng dalawang mga saksi na kanilang hawak.

Una nang itinanggi ni Baldo na dawit siya sa krimen, kahit na hindi pa ito tinukoy bilang suspek noon.

“Ang kausap ni mayor is itong si Christopher Naval alias Tuping at sya ang nag grupo dito sa 6 na ito although ang mga ito ay under the payroll of the mayor… as personal staff using fictitious names. This one is a rebel returnee and all the rest are ito rebel returnee and cafgu and all the rest are ex-military personnel. Mga dismissed ang iba dito, discharge honorably,” ani Gen. Albayalde. “They are under the payroll of the mayor but then hindi lang naman si mayor ang nakikita natin na gumagamit sa kanila so sila talaga gun-for-hire group not only for the mayor but also for others kung talagang sino ang magbabayad sila.”

Bahagi pa ng statement ni PNP chief Albayalde

“Based on extra-judicial confession of Tuping, revelations made by Judavar, and intelligence research conducted by the IG and CIDG, the other members of Tuping’s team and their individual participation in the murder are as follows:


1) Henry YUSON @ Romel/Eno, a former NPA rebel who was arrested by MICO, MIB of 9th IB and who later became a CAFGU member. He was tagged as the main gunman who shot Batocabe allegedly with a cal.40 pistol.

2) Rolando ARIMADO @RR, a rebel returnee who served as lookout and back-up gunman. It was reported that he likewise pulled the trigger to kill Cong. Batocabe and SPO1 Diaz on that fateful day.

3) Emmanuel ROSELLO @ Boboy, a former CAFGU member who drove the other getaway motorcycle. He was arrested earlier this morning by police operatives in Daraga, Albay. The getaway motorcycle was likewise seized from his possession.

4) Jaywin BABOR @ Jie, also an ex-Army man who was designated as driver of the getaway motorcycle.

From all indications as revealed by the suspects and witnesses, and physical evidence gathered by the police, the group that killed Batocabe and Diaz is a private armed group employed by the mayor that is involved in contract killing as a gun-for-hire syndicate.”

Samantala, kinumpirma rin naman ni Albayalde na kinasuhan na si Mayor Baldo at anim na iba pa ng double murder and multiple frustrated homicide nitong umaga sa Albay.

Samantala, kumbinsido ang pamilya Batocabe sa resulta ng naturang imbestigasyon.

Ayon sa anak ng kongresista na si Atty. Justin Batocabe, lubos umano ang kanyang pagkagalak ngayong tukoy na ang pangunahing may sala sa pagpatay sa kanyang ama.

Bagama’t sa kasalukuyan ay hindi pa binanggit ni Justin kung sino ang hahalili sa kanyang ama sa pagtakbo bilang alkalde, tiyak umanong manggagaling ito sa kanilang pamilya.

Matatandaang noong Disyembre 22 nang pagbabarilin si Batocabe, pati ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz, matapos dumalo ang mambabatas sa isang gift-giving sa liblib na bahagi ng Daraga.

Mayroon ding nakalaang P50-milyon, na galing sa ambagan ng mga kasamahan ni Batocabe sa Kamara at kay Pangulong Rodrigo Duterte, para sa mga makapagtuturo sa mga salarin.

Source: Bomboradyo.com

Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: SOCIALNETPH
© Social Net Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of socialnetph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.