GoodNews! Pres. Duterte mamamahagi ng titulo ng lupa sa Maguindanao Ngayong araw
CENTRAL MINDANAO – Pangungunahan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng titulo ng lupa o Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa mga magsasaka o mahihirap na pamilya sa probinsya ng Maguindanao.
Ang CLOA ay bahagi ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) o Republic Act No. 6657 sa ilalim ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Gagawin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga benepisyaryo sa Buluan Maguindanao.
Katuwang ng Pangulo sa pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa probinsya ng Maguindanao, sa pangunguna ni Governor Esmael”Toto”Mangudadatu.
Kasama rin ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng Department of Agrarian Reform at Department of Agriculture (DA) at ilang opisyal at cabinet secretaries nito.
Kasabay ng CLOA distribution posibling babanggitin ni PRRD ang magiging kahihinatnan ng ARMM.
Bago lang ay nagpaalam na at nagpasalamat ang mga kawani at opisyal ng ARMM sa pangunguna ni Gov Mujiv Hataman sa tinuturing nilang huling flag retreat.
Kabilang sa inaasahan ang anunsyo ng Presidente sa listahan ng mga uupong myembro ng transition government sa bubuuhin na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kapalit ng ARMM.
Sa ngayon ay mas pinaigting pa ng militar at pulisya ang seguridad sa bayan ng Buluan Maguindanao sa pagbisita ng Presidente alas 2:00 ng hapon mamaya.
Source: Bomboradyo.com
© Social Net Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of socialnetph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: