Read This! Duterte Supporter tinawag na diktador si Pres. Duterte: "Kahit bigyan mo pa ako ng 100 disenteng presidente hindi ko ipagpapalit and diktador na si Duterte!"





Noong nagdaan na linggo ay sunod-sunod ang magagandang balita tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Isa na dito ang pagsasakatuparan ng mga batas para sa mga benepisyo ng mamamayang Pilipino. 

Ngunit, sa kabila ng lahat na kabutihang ipinagkaloob ng administrasyon Duterte ay marami pa din ang tumutuligsa at bumabatikos sa kanya.

Sa Facebook post ng isang kilalang supporter ni Pangulong Duterte na si Noel Sarifa, ay inisa-isa niya kung bakit tinawag si Duterte na diktador kahit pa madami na siyang nagawa sa humigit 2 taon niya na panunungkulan. 

Basahin ang buong post ni Noel Sarifa dito:

"Nagkalat na naman sila sa Kalye at pinagsisigawang Diktador ang aking Presidenteng si Duterte!

Diktador daw ang Presidente ko pero binigyan ng pabahay ang NPA na sumuko. Sumuko ng kusa at hindi pinilit, hindi dinaan sa dahas.

Diktador daw ang Presidente ko at pinapatay ang addict, yun lang daw ang alam nya ang pumatay. Kaya pala nasalba ang 3Million adik, nabawasan ang supply ng droga at nakapagpatayo ng rehabilitation centers. Dahil sa Oplan Tokhang nasalba ang buhay ng Milyong milyong mamamayan at kabataan na malulong sa droga o mabiktima ng karahasan ng mga durugista. Naging mababa ang Kriminalidad at tumaas seguridad.

Diktador daw ang Presidente ko pero sya lang ang Presidenteng nakakaalala sa mga OFW kapag nagkaroon sya ng foreign visit. Kaya nagpauwi ng OFW para isa alang-alang ang kanilang kapakanan. Ilang Dekadang ginagatasan ang mga OFW pero pagnagkaproblema bangkay ng makakauwi sa Pilipinas.

Diktador daw ang Presidente kaya inaaprobahan ang free tuition at kahit binabatikos ng mga walang utang na loob na mga aktibistang estudyante ay hinahayaan nya etong magpahayag ng saloobin at hindi sumang-ayon na tanggalan sila ng scholarship.

Diktador daw ang Presidente ko pero dinaan sa legal ang mga kaso ni Maria Resa, Trillanes, De Lima at Robredo. At Bise Presidente Pa Rin si Leni kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na may dayaang nangyari.


Advertisement


Diktador daw ang Presidente ko pero ang mga nagrarally hinahayaan lang magprotesta lalo tuwing SONA, inimbitahan pa sa Malacanang. Noon hindi diktador at disente kuno pero may barikada at binubomba ng tubig ang nagpoprotesta. May massacre pa sa Mendiola.

Diktador daw ang Presidente ko kaya nagbigay ng Free Irrigation sa mga magsasaka. Pinamahagi nya ang lupain sa Hacienda Luisita na matagal nang ayaw ipagkaloob ng mga disente. Namahagi din ng mga lupain sa mga benificiaries na ang ilan ay kinamatayan na ang paghihintay.

Diktador daw ang Presidente kaya nagbigay ng laya sa mga dayuhang illegal na nangisda sa ating karagatan at may send off party pa.

Diktador daw ang Presidente ko kaya lapitin sya ng mga kabataan at magaan ang loob sa kanya. Nakikicelebrate ng Pasko sa batang may cancer.

Diktador daw ang Presidente ko pero malayang nakakapagpahayag ng paninira ang simbahan, media at opposition sa kanya.

Diktador daw ang Presidente ko pero ilang ulit ng nakikipag peace talk sa mga rebelde.

Diktador daw ang Presidente kaya nagmartial law sa Mindanao, kaya pala mas kampante ang mga taga Mindanao pagmay martial law kasi alam nilang aalagaan sila ng pamahalaan laban sa terrorista, may mga tangang nagrarally sa luzon kontra martial law, dahil diktador nga, malaya silang nagpoprotesta.

Diktador daw ang Presidente ko kaya mayroong Presidential Hotline at 8888 para makaabot ang hinaing ng ordinaryong mamamayan sa Malacanang para iyon ay matugunan.

Diktador daw ang Presidente ko pero malayang nakakapagpanira at nagpapakalat ng fake news ang mga bayarang media.

Advertisement


Diktador daw ang Presidente ko kaya yung mga squatter may budget ng relocation at inaantay na matapos ang relocation site at marelocate ang mga tao bago magpademolish.

Diktador daw ang Presidente ko kaya pinaayos ang substandard na pabahay sa mga biktima ng Yolanda.

Diktador daw ang Presidente ko kaya nagbibigay galang sa mga namatayan na sundalo, biktima ng bagyo at kalamidad at biktima ng terorismo. Personal na nag-aabot ng tulong ang Diktador at makikita mong sincere na lumuluha at nakikidalamhati.

Diktador daw ang Presidente ko kaya mas pinili nyang magkaroon ng diplomatic ties sa China kesa makipagmatigasan, magkagiyera at dumanak ang dugo ng ating mga inosenteng kababayan at sundalo.

Diktador daw ang Presidente ko kaya pinalaya ang mga kaawa-awang matatandang nasa kulungan na ilang dekadang hindi pinansin ng mga disente at hinahayaang mamatay sa piitan.

Diktador daw ang Presidente ko at Tuta ng Kano, kaya minura ni Duterte ang Presidente ng Amerika, naisauli ang Balangiga Bells at Umaayon sa Laban kontra Droga ang America sa Pilipinas na nooy madiin na tumututol dito.

Magrally kayo hanggang gusto nyo! Kahit bigyan mo pa ako ng isang daang Disenteng Presidente hindi ko Ipagpapalit and Diktador na si Duterte! Hinding Hindi nyo sya mapababa sa pwesto dahil kaming taong bayan na matagal ng ginagago ng mga Disente ang makakalaban nyo!"


Source: Facebook
Advertisement

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Visit and follow our website: SOCIALNETPH
© Social Net Ph
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of socialnetph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.