Look: Korina Sanchez matapang na binatikos ang ‘power nap’ ng Pangulo sa Singapore

Ilang araw at balita na ang lumipas, nakuha pang bumanat ng batikang Broadcast Journalist at News Anchor na si Korina Sanchez sa nag – trending na ‘power nap’ ng ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahilan nang hindi nito pagdalo sa iilang pagpulong sa naganap na Asia Pacific Economic Conference sa Singapore kamakailan.
Pakli ni Korina sa kanyang akda sa ‘Isyung K’ na ibinahagi sa Bulgar Online, kung ang mga ordinaryong empleyado ay pinahihintulutang mag ‘power nap’, pwede rin ba ito sa Pangulo?
Dagdag pa nito, kung pwede naman palang utusan si DFA Secretary Teddy Boy Locsin at iba pang miyembro ng gabinete na kumatawan sa naturang kapulungan, bakit kailangan pa umanong dumalo ang Pangulo gayon at pagod ito?
Mababatid na tinuligsa din ng ilang mambabatas ang ginawang ‘power nap’ ng Pangulo kabilang na ang numero unong kritiko nito na si Senator Antonio Trillanes na nagsasabi na ang ginawa ng Pangulo ay nangangahulugan lamang ng dalawang bagay.
Aniya, una rito ay ang pagkakaroon ng Pangulo ng seryosong karamdaman at hindi na magampanan ang kaniyang tungkuling bilang pinuno ng bansa.
Posible rin naman aniyang natural na tamad at iresponsable ang Pangulo.
Duda naman ni Senator Panfilo Lacson, mababaw na dahilan ang ‘power nap’ na sinabi ng Pangulo upang hindi ito sumipot sa iilang pag pulong ng ASEAN Summit.
Maaring may ibang mas malinaw na dahilan at kusang sinadya ito ng Pangulo.
DUMEPENSA: ‘Power Nap’ ng Pangulo, ipinagtanggol ng ilang Senador
Kung mayroong atribida na kagaya nina Korina at Trillanes, mayroon din namang mabubuti ang kaluoban na kayang ipagtanggol ang Pangulo.
Katulad ni Senate President Tito Sotto III na nagsabing mas mainam na lagi nalang asahan na mayroon talagang babatikos sa Pangulo kahit ano pa ang gawin nito.
Kilala aniya si Pangulong Duterte simula noong 1988 na hirap makatulog ng maaga kung kaya’t hirap din gumising ng maaga.
Isipin nalang aniya na maayos na kinatawan ng bansa ang ASEAN Summit. Mensahe naman nito sa mga pumupuna sa Pangulo, walang sapat na dahilan upang kondenahin ang ginawa ng Pangulo dahil hindi naman kumbidado ang mga ito sa ASEAN Meetings.
Para naman kay Senator Chiz Escudero, sariling desisyon ng Pangulo ang mag ‘power nap’ at marami namang kinokonsidera ito bago magpasyang pumunta o hindi sa pagpulong.
Nagbigay din ng mahalagang impormasyon si Health Secretary Francisco Duque III tungkol sa importansya ng power nap sa isang tao. Sinabi nito na “Sa mga nakakatanda, ang power nap ay napaka importante nyan dahil umiiksi ang panahon para sa tulog kapag ang isang tao ay tumatanda. So, yung pagkakataon na pagka inantok sila at pwede namang mag power nap, sige lang kasi hindi naman katagalan pag tinawag mong power nap. Maigsi lang yan pero malalim ang tulog mo kahit na maiksi. Pakiramdam mo para kang na rerecharge.” Saad nito.
“Natural lang iyon dahil minsan sobrang pagka-busy katulad ng ating Presidente na talaga namang walang tigil, halos araw-araw na tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan… Hayaan na magpower nap, para sa ganoon manumbalik ang kanyang sigla at mas maging epektibo sa pagtugon ng mga problema ng ating mga kababayan.” Dagdag pa nito.

© Social Net Ph
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of socialnetph.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: